Tuesday, January 11, 2011

Kambal Diwa: Chapter 1

November 10, 2010
3:00 am
Abalang-abala ang buong kabahayan ng mga Santillan, dahil ito ang unang araw ng training ng magkapatid na Timothy at Tristan Santillan. Ang kanilang ina na si Luisa ay abalang-abala sa pag-aayos ng kakainin ng dalawa habang kinakausap siya ni Timothy.
                “Mama, parang kinakabahan ako sa first day namin. Baka mapahiya ako, mahirap na…” sabi ni Timothy sa kanyang ina na naghahalo ng kanilang fried rice.
                “Timmy, sa tagal ng existence mo sa mundong ito, sa dami ng hinarap mong mga teachers, professors at kung sinu-sino pa, bakit ngayon ka pa kakabahan? Both of you are entering the Call Center industry, and you should be proud to be one of them. Biru mo, malalagpasan na natin ang India as The Top Call Center Capital of the World. “ pampalakas ng loob na sinabi ni Luisa sa kanyang anak.
Pumasok naman ng kusina si Tristan, dala-dala ang isang ubos na hot chocolate sa kanyang tasa.
                “Timothy naman, hindi kita pababayaan dun. Magkasama naman tayo eh. Para anupa’t naging magkakambal tayo di ba?” sabi ni Tristan.
Tumingin sa orasan si Luisa at halos thirty minutes na lang pala bago mag alas quatro ng umaga.
                “Kayong dalawa, maligo na kayo at magbihis na, para makakain na. Baka ma-late kayo, nakakahiya pa naman yun.” Sabi ni Luisa.
Agad agad na nagpunta ang magkapatid sa kanilang mga kwarto, inihanda ang kanilang mga susuotin at pagkatapos nito’y dumiretso na sila sa banyo para maligo. Approximately, mga three minutes lang ang pagitan ng magkapatid noong sila’y ipanganak ng kanilang ina, twenty-one years ago sa Cardinal Jimenez Medical Center. Madali mong ma-identify ang magkapatid dahil dalawang kulay lang ang kanilang paborito: gusto ng mabait at masunuring si Timothy ang kulay puti habang ang matapang at magalang na si Tristan ay ang kulay itim. Kaya minsan, madalas silang gumawa ng isang biro – magpapalit sila ng kanilang kulay para guluhin ang mga taong nakakakilala sa kanila.
Matapos nilang magbihis ay bumaba sila, patungo sa dining area. Andun at nakahanda na ang kanilang kakainin – isang tasang fried rice, dalawang pieces ng butterfly-sliced longganisa at isang baso ng orange juice. Nakasuot si Timothy ng ordinary white polo shirt, denim pants at white snickers habang all-black naman si Tristan – black polo shirt, red vest, slacks at black snickers. Habang sila’y kumakain, nag-iwan pa ng bilin si Luisa sa kanila.
                “Kapag kayo’y pumasok dun at tinanong kayo kung anong relation niyo kay Guido Santillan, wag niyong sabihin na tatay niyo siya. Baka naman sabihin sa inyo, nakapasok lang kayo dun ay dahil may posisyon sa kumpanya ang papa niyo.” Sabi ni Luisa ngunit nag-object si Tristan sa kahilingan ng kanyang ina.
                “Anong masama kung malaman nilang tatay namin si Papa? Okay lang naman nilang malaman yun. Basta, hindi namin siya ipapahiya sa mga kasama namin.”
                “Tristan, ikaw na ang bahala kay Timmy. Alam mo naman ang kakambal mo, medyo mahina ang loob pagdating sa pakikipag-socialize sa mga tao.” Bilin ni Luisa.
                “Oo naman. Sanggang-dikit kami nito. Hindi ko ‘to pababayaan dun. Magkasama kaming papasok dun, magkasama din kaming magtatagumpay.” Sabi ni Tristan.
Ngumiti na lang si Timothy sa usapan ng kanyang kapatid at ng kanyang ina. Noong mga bata sila, si Tristan ang nagiging protector ni Timothy sa lahat ng bagay. Kapag may umaaway kay Timothy, si Tristan ang nagtatanggol sa kanya. Dahil malayo ang kanilang bahay mula sa opisinang kanilang pupuntahan, maaga silang umalis. Alas kwatro ng umaga nang lisanin nila ang bahay. Magkasama silang sumakay ng jeepney patungo sa Baclaran.
Nananatiling balot sa dilim ang paligid na kanilang dinadaanan. Unlike any other twins, masyado silang close na kahit nasa jeep sila, hindi nila maiwasang mag-kwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa kanila. Hindi maiwasang itanong ni Timothy ang tungkol sa girlfriend ni Tristan – si Isobel.
                “Tristan, napapansin kong hindi ka na tinetext ni Isobel ah. Anong nangyari?” tanong ni Timothy.
                “Naku, hiniwalayan ako ng babaeng yun! Ipinagpalit ako sa isang uhuging lalaki. Hindi naman marunong lumaban eh. Nakita ko nung isang gabi, papauwi ako nun galing sa grocery store. Nakita kong binubugbog ng mga tambay yung boyfriend ni Isobel.” Sagot ni Tristan.
                “Eh di hindi mo tinulungan?”
                “Tinulungan ko syempre. Pero dinala ko na lang siya sa clinic at iniwan doon.”
Ilang minuto pa, bumaba sila ng Madriano General Hospital. Pagkatapos ay tumawid sila sa kabilang kalsada upang mag-abang ng bus patungo sa SLV Towers, kung saan andun ang opisina ng SLV Contact Solutions Inc. Mabuti na lang at may dumating na bus. Sumakay sila at nagbayad ng pamasahe na ang baba ay sa SLV Towers. Mabilis lang ang biyahe dahil mabilis ding magpatakbo ng bus ang driver. Pagbaba nila, nakita nila ang isang 20-storey building na may mga ilaw sa ilang parte ng gusali.
Tumawid sila at pinuntahan ang mismong building. Pagpasok nila, andun ang dalawang guardiya. Nakasuot sila ng powder blue na polo barong, slacks at leather shoes.
                “Good morning sir. Pakibuksan lang po ang bag for inspection.”
Binuksan nina Tristan at Timothy ang kanilang mga dalang bag at binuksan for inspection purposes. Matapos nito’y tumuloy na sila sa loob. Malawak at simple ang mga detalye sa main lobby. Pinuntahan nila ang elevator. Bumukas ito at pumasok sila sa loob. Pinindot nila ang number 12 at nagsara ang pinto. Habang umaakyat ang elevator, napapansing hindi maganda ang pakiramdam ni Tristan.
                “Bakit? Napapano ka? Don’t tell me nahihilo ka na naman?!” sabi ni Timothy. Hinahaplos-haplos ni Tristan ang kanyang noo dahil sa sakit.
                “Ang sakit lang ng ulo ko. Kapag sumasakay tayo ng elevator eh nahihilo ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero minsan naman, hindi ako nahihilo. Siguro, ngayon lang ako uli nakasakay ng elevator.” Sabi ni Tristan.
Pagdating nila sa 12th floor, kitang-kita nila ang malaking nameplate logo ng SLV Contact Solutions Inc., pumasok sila sa loob ng opisina at pinuntahan ang Front Desk. Naroon ang isang babae na nakasuot ng blazer na light blue, white t-shirt.
                “Good morning gentlemen. How may I help you?” tanong ng babae.
                “Miss, we are having our first day of the training as the newly-hired Technical Support Associate trainees for Diadem Internet Services. We are Tristan and Timothy Santillan.” Sabi ni Tristan.
                “Ico-confirm ko lang po. Sandali lang.” sabi ng babae sa kanila.
Chineck ng front desk officer sa kanyang computer kung may gagawin ngang training for the Technical Support Associates sa Diadem Internet Services.
                “Yes. May training po kayo today. Starting from 6:00 am to 3:00 pm. It will last for the next two weeks.” Sabi ng babae sa kanila.
                “Ah. Okay. So are we allowed to go inside?” tanong ni Tristan.
                “Yes. Mag log-in lang po kayo dito sa Attendance Sheet, indicate the time na pumasok kayo and iwan niyo na lang po yung ID niyo.” Instruction ng babae sa kanila.
Sumulat ang dalawa sa Attendance Sheet, ibinigay ang kanilang mga ID at binigyan din sila ng Temporary Building Pass. Pinapasok sila sa loob ng office. Modernong-moderno ang itsura ng mismong opisina – andun ang mga advertisements ng SLV Contact Solutions Inc., at mga iba’t ibang promos. May mga sofa na gawa sa leather ang cover. Bukas din ang mga Plasma TV na connected sa Cable Channel. Inihatid sila ng nasa front desk.
                “Sir, dito na lang po muna kayo maghintay. Sandali na lang po ay darating na si Ms. Carla. Siya ang magiging Instructor niyo for the next two weeks.” Sabi ng babae.
Naupo ang magkapatid sa sofa. Kumuha ng isang magazine si Timothy at nagbasa habang si Tristan ay inoobserbahan ang buong paligid. Okay rin pala ‘tong workplace ni Papa. Sana, maging kagaya namin siya pag nagtagal kami dito. Biglang nag-ring ang touchscreen cellphone ni Tristan at nag-register dito ang pangalan ni Isobel.
                “Tan, sagutin mo na kasi…sayang naman yung load niya…” sabi ni Timothy.
Kaya sinagot na ni Tristan ang tawag ni Isobel.
                “Ibel…ano bang kailangan mo? Thank you? Para saan?! Ah, yung paghahatid ko sa boyfriend mong lampa?! Wala yun! Sige, busy ako. Bye!” sabi ni Tristan.  
Biglang pumasok sa opisina ang isang babaeng nakasuot ng bolero jacket, turquiose blouse, black slacks at stillettos. May dala-dalang itim na shoulder bag at nagpa-assist sa Security Guard. Tuloy siya sa pagpunta sa opisina ng mga trainors.
                “Ganda nun oh…maligawan ko nga…” pabirong sabi ni Timothy pero siniko lang siya ni Tristan.
                “Uy…ang tanda na ng babae, papatulan mo pa? Ibalato mo na yan sa mga matatanda. Makakahanap ka din ng babaeng para sa’yo.” sabi ni Tristan.
Makalipas ang ilang minuto, may pumasok na isang lalaki at isang babae. Ang lalaki’y medyo malusog nang kaunti at may kaputian. Naka-brace ang kanyang ngipin, nakasuot ng salamin, nakasuot ng blue and green striped polo t-shirt, maong pants at snickers habang ang babae ay medyo may kaliitan ang height. Naka-brace din ang ngipin, nakasuot ng short-sleeved t-shirt, black na tight pants at ballet shoes. Hindi mapanatag ang babae sa kanilang ginagawa sa building, sa kalagitaan ng madaling araw.
                “Kakainis ka talaga!!! Bakit mo ako kailangang gisingin ng 2:30 in the morning, just to be here? Para naman ang tingin mo sa lugar na’to, parang malayo sa kabihasnan!” sabi ng babae. Sinubukang pakalmahin ng kasamang lalaki ang babae.
                “Edel, masyadong malayo ang bahay mo, sa bahay ko at sa opisinang ito! Eh ako nga eh, katatapos ko lang ng duty sa paglilibot sa barangay namin eh. Ayun, may nahuli kaming mga manginginom…” sabi ng lalaki.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang babaeng nakita ng kambal sa lobby.
                “Hey guys, are you the ones who will be having their first day on training as Tech Support Associates for Diadem?” tanong ng babae.
Nagsilapitan ang apat sa babae.
                “Yes.” Sabi ni Tristan sa babae.
                “Okay, I’ll be the one who will be your trainor for the next two weeks. Follow me and I’ll lead you to your training room.” Sabi ng babae.
Sumunod ang apat sa babaeng papunta sa kanilang training room. Pagbukas niya ng room, andun ang cafeteria at mga customers na nagpapalipas ng antok, gutom, oras at stress habang umiinom ng kape. Gamit ang company ID na nagiging doorpass, itinapat niya ang card sa mistulang doorlock. At kusa itong bumukas. Sumunod ang apat sa babae, kumanan at pagkatapos ay dumiretso. Tumigil sila sa isang pintuan na may nakalagay na nameplate sa tabi nito: Mariano Alvarez.
                “Before you enter the training room, please make sure that all your valuables are in your pocket…” paalala ng babae pero hindi ito pinapansin ni Timothy. Tinitignan niya ang nameplate at nagtanong siya sa babae.
                “Miss, just a question. Why is it, that this room is named after a Cavite-born hero?” tanong ni Timothy kaya sinagot ito ng babae.
                “Because you are working in one of the busiest cities in the Philippines – the city of Bacoor in Cavite.” Sagot ng babae.
Pumasok sila sa loob ng training room. May isang malaking white board at mga nasa 30 computer units na may tig-iisang office chairs. Mukhang malinis ang loob at walang kadumi-dumi. May isang rectangular na conference table na may mga computer units din.
                “You make take your seats.” Sabi ng babae.
Nagtabi-tabi ang apat sa mga upuan sa bandang kaliwa. Wala muna silang ginalaw sa mga gamit nila habang nagsasalita ang babae.
                “You wil wait here habang hinihintay ko pa ang iyong mga makakasama. Subukan niyo munang makipag-halubilo sa isa’t isa. But please, don’t act like a fresh college students.” Sabi ng babae. Pagkatapos nito’y umalis ang babae, naiwan ang apat sa loob ng training room. Nag-react naman dito si Edelweiss.
                “At talagang iniwan tayo dito ha…” sabi ni Edelweiss.
                “Hayaan mo na…baka naman siguro may mga hinihintay pa tayo…wala pa naman 6:00 am eh, 5:45 pa lang naman eh.” Sabi ni Timothy.
Nagsimulang magpakilala si Ronnie sa kambal.
                “Ronald Joaquin, you can call me ‘Ronnie’ for short. Isa akong elected Barangay Official sa lugar natin. Actually, mas gusto ko ‘tong trabahong ito kaysa sa mag-ronda sa gabi.” Pagpapakilala ni Ronnie sa kambal.
                “Dapat sana, nagbitiw ka na lang as a Barangay Official. Alam ko kasi, malaki ang pondo natin sa Barangay eh.” Sabi ni Tristan.
                “Oo nga eh, ewan ko ba dito kay Ronnie…nagpapaka-martir! Ako nga pala si Edelweiss Laperal, you can call me Edel. Registered Nurse naman ako. Kakakuha ko lang ng License ko pero hindi ko naman magamit-gamit. Lumipat ako ng Call Center from Makati dito sa Cavite. Ang layo naman kasi ng inuuwian ko.” pagpapakilala ni Edel.
Biglang pumasok ang teacher, kasama ang limang bago nilang makakasama.
                “Please occupy those seats. Wag kayong mahihiya.” Sabi ng babae.
                “You speak Filipino? I thought that we are not allowed to speak in Filipino.” Pagtatakang sinabi ni Edel.
                “Oo naman. Kapag nasa labas kayo ng Training Room na ito, dapat kayong mag-English pero kapag nandito kayo, pwede kayong mag-Tagalog.” Sabi ng babae.

No comments:

Post a Comment