Thursday, January 13, 2011

Kambal Diwa: Chapter 7

Habang tinatapos ni Luisa ang kanyang mga labahin, biglang nag-ring ang kanyang cellphone na nasa bulsa niya. Kinuha niya ito at may text message pala siya. Binasa niya ito
                “Kung alam mo lang kung paano ka niloloko ng asawa mo. Tanungin mo siya kung sino ang madalas na tumatawag sa cellphone niya. Hindi mo lang alam na may ginagawang kalokohan ang asawa mo kapag nasa trabaho siya. Sa tingin mo, mahal ka pa ba ng asawa mo?”
Gumuho ang mundo ni Luisa nang malaman niyang may ginagawang kalokohan ang asawa niya. Itinigil niya ang kanyang paglalaba, umakyat sa kwarto nilang mag-asawa at hinanap ang cellphone ng kanyang asawa. Hindi ito dinala ng kanyang asawa sa trabaho dahil naka-charge ang cellphone niya nung umalis ito. Tiningnan niya ang Log ng cellphone para malaman kung sino ang mga tinatawagan ng kanyang mister nang may nakita siyang contact na ang pangalan ay “Honey”.
                “Sinong ‘Honey’ ‘to?” tanong ni Luisa. Tinawagan niya ang contact sa mismong cellphone ng kanyang asawa at nagulat ito nang may sumagot.
                “Hello? Baby, akala ko ba papasok ka today? Asan ka na ba? Hello? Hello?” tanong ni Carla na walang kamalay-malay na si Luisa na asawa ni Guido ang kausap niya. Agad niya itong binaba.
                “Hello? Hello?...” sabi ni Carla nang nilapitan siya ni Guido.
                “Sinong kausap mo?” tanong ni Guido.
                “Akala ko…ikaw yung kausap ko…cellphone number mo ang naka-register dito eh…” sagot ni Carla.
                “Kanina pa ako nandito. Nag-CR lang ako eh…ibig sabihin…may…” sabi ni Guido.

Nanlumo si Luisa sa kanyang narinig…boses ng isang babae. Sinong mag-aakala na ang mabait niyang asawa at ama ng kanilang kambal ay may iba palang “hobby”. Kaya itinuloy na niya ang paglalaba, at pagkatapos ay nagkulong siya sa kwarto – umiiyak, hindi niya alam kung anong nagawa niyang pagkakamali para lokohin ng sarili niyang asawa.
                “Ano bang nagawa ko?! Bakit mo ba ako niloloko?! Hayop ka!!! Hindi ko kayo patatahimikin!!!” sabi ng galit na galit na si Luisa. Sa sobrang galit nito, sinira niya ang mga gamit sa kanilang bedroom – ang mga picture frames, ang mga damit ng asawa niya, ang mga gamit ng asawa niya at binasag niya ang salamin sa kanilang kwarto. Basag na basag ang salamin kaya kinuha niya ang malaki at matalas na part nito. Itinututok ang talim at isinaksak sa kanyang sikmura. Dumanak ang dugo sa buong kwarto na may naiwang sumpa ang kawawang asawa – hindi niya patatahimikin ang babae ng kanyang asawa.

4:30 pm
Umuwi ang magkapatid sa kanilang bahay matapos nilang mag-undertime sa Café de Luisa. Agad na hinanap ni Tristan si Luisa sa buong bahay pero hindi niya ito makita.
                “Asan si Mama? Hinayaan lang niyang nakabilad ‘tong mga labahin. Baka mangupas.” Sabi ni Tristan.
                “Baka naman nagpunta ng grocery…” sabi ni Timothy.
Ngunit nang pumunta si Tristan kanilang hagdan, napapansin niyang may tumutulo na liquid – parang dugo.
                “Saan nanggagaling ‘to? Parang sa kwarto nina Mama…” sabi ni Tristan.
                “Oo nga…pero bakit may dugo? Baka naman…” hinala ni Timothy.
                “Kunin mo yung susi ng kwarto sa cabinet! Dalian mo ha!” sabi ni Tristan.
Pumunta agad si Timothy sa lagayan ng mga susi sa glass cabinet. Kinuha niya agad ito at ibinigay sa kanyang kapatid. Nang binuksan nila ang kwarto, nagulantang sila nang makita nilang nakahandusay ang bangkay ng kanilang ina – duguan ang paligid at sira-sira ang mga gamit.
                “Mama!!! Anong ginawa mo sa sarili mo? Mama!!! Mama gumising ka!!!” sabi ni Tristan ngunit wala nang malay ang babae.
                “Anong gagawin natin? Sasabihin ba natin ‘to kay Papa?” tanong ni Timothy.
                “Wala tayong sasabihin kay Papa! Hindi tayo tatawag ng pulis o ng ambulansya o ng kahit sino pa man!!!” sagot ni Tristan.
                “Eh, anong gagawin natin?” tanong ni Timothy.
                “Since malaki ang lupa sa likod ng bahay natin, maghuhukay tayo ngayon…doon natin ililibing si Mama…and then, lilinisin natin ang buong kwarto…para hindi maghinala si Papa.” Sagot ni Tristan.

Kumuha ng pala ang magkapatid at nagsimulang maghukay nang malalim, tinatayang mga 4 to 5 feet lang ang sukat ng kanilang paghuhukay. Matapos nito’y pinagtulungan nilang buhatin ang bangkay ng kanilang ina at inilibing ito sa kanilang ginawang hukay, saka tinabunan ito ng lupa. Inabot sila ng gabi sa paglilinis ng mga kalat sa kwarto at pagkatapos nito’y kumain na rin sila ng kanilang dinner.

10:44 pm
Umuwi ang kanilang ama galing sa opisina at ang mga anak lang niya ang kanyang nadatnan.
                “O asan ang mama niyo?” tanong ni Guido sa kanila.
                “Hindi namin alam eh. Pagdating namin dito, wala pa siya. Siguro nag-grocery.” Sagot ni Tristan.
Pumunta sa kusina si Guido para malaman kung nagluto na ba ang mga bata. Isa-isa niyang tinignan ang rice cooker, may laman na palang kanin.
                “Nagluto na kami ng kanin. Nagpa-deliver na lang kami ng ulam mula sa Café, kaysa sa magluto kami…” sabi ni Timothy.
Umakyat si Guido sa kanilang kwarto ngunit naka-lock ito.
                “Timothy, pahiram naman ng susi ng kwarto…” sabi ni Guido pero inunahan na siya ni Timothy.
                “Nasa glass cabinet…maghahain lang kami sandali…” sabi ni Timothy habang nagsasandok ng kanin at inilalagay sa serving plate. Kinuha nga ni Guido ang susi sa glass cabinet. Pagbalik niya sa kwarto at nang buksan niya ito, nakita niyang malinis na ang buong kwarto – walang gaanong decorations at malinis na ang mga muebles. May nakita siyang note sa kanilang kama na naka-address sa kanya. Kinuha niya ito, binuksan at binasa.
                “Guido, ang laki ko palang tanga na hindi ko pa malalaman na may iba ka palang babae, maliban sa’kin. Matapos kong ibigay ang lahat sa’yo, ito pa ang igaganti mo sa’kin?! Ang kapal naman ng mukha mo! Isinusumpa kong hindi kayo matatahimik! Oras na ipasok mo ang babae mo sa pamamahay ko, hindi ko kayo patatahimikin! Tandaan mo yan!!!” basa ni Guido sa sulat ni Luisa.
Agad niyang tinignan ang kanilang cabinet, wala na ang mga damit niya, pati ang mga alahas at ang lahat ng gamit ni Luisa. Wala na siya. Nilayasan na niya ako. Paano na kami?! Kaya bumaba si Guido at pumunta sa dining area. Andun na ang dalawa – kumakain ng dinner nang bumaba ang kanilang tatay.
                “Oh, anong nangyari? Bakit maputla ka?” tanong ni Timothy.
                “Wala na ang mama niyo. Umalis na siya. Nilayasan niya ako.” Sagot ni Guido, saka ipinakita ang sulat ng kanilang ina sa kanila. Hindi makapaniwala ang magkapatid sa kanilang nalaman.
                “Bakit siya lumayas?” tanong ni Tristan.
                “Mahal ako ng mama niyo. Hindi niya ako pwedeng iwan! Mamamatay ako kapag nawala siya!” sagot ni Guido at nag-react naman si Timothy.
                “Aww…ang sweet…talaga bang mahal mo si mama? Eh bakit niya tayo iniwan? Hindi siya pwedeng umalis nang walang dahilan. Hindi siya gagawa ng dahilan na iwan ka kung wala kang ginawang masama sa kanya.” tanong ni Timothy. Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang mama ko, ang mama namin ni Tristan. Magbabayad kayo ng kerida mo!

Big issue ngayon sa buong klase ang paglayas ng kanilang ina sa bahay. Ikinuwento ni Tristan ang mga nangyari sa bahay noong Linggo ng gabi at labis itong ikinagulat nina Manny at Jacob.
                “So, nalaman rin pala ng mama mo yung totoo? So papaano yan? Sino nang magluluto’t maglalaba sa inyo?” tanong ni Jacob.
                “Ay, may kakilala kaming pwedeng maging labandera niyo. Magaling maglaba yun at maglinis ng bahay.” Suggestion ni Manny.
                “Salamat ha. But I think we can have a lunch later – just the four of us. We have something to tell you.” Sabi ni Tristan.
                “Ah okay. Sige, mamaya sa Cafeteria.” Sabi ni Manny.

No comments:

Post a Comment