Saturday, January 22, 2011

Kambal Diwa: Chapter 9

Pagdating nila sa opisina, nabigla si Carla sa pagpasok ni Timothy. Sa kanyang pagkabigla ay namulta’t parang nakakita siya ng multo.
                “Oh, Carla. Looks like you’ve seen a ghost from your past! Am I correct?” sabi ni Timothy. Hindi makapagsalita si Carla sa kanyang nakita.
                “Tristan…aaasan ang kapatid mo? Dapat di ba sabay kayo?” tanong ni Carla.
                “May sakit siya. Bukas pa siya makakapasok.” Sagot ni Timothy.
Tumuloy sa paglalakad sina Timothy, Manny at Jacob patungo sa kanilang training room. Ganito rin ang situation sa loob – walang ibang tanong ang mga kasamahan nila kundi: “Asan ang kapatid mo?” at ang tanging sinasagot lang ni Timothy ay “May sakit. Baka bukas pa makakapasok.”
Habang nasa discussion sina Carla, biglang nagtaas ng kamay si Karinna.
                “Carla, is it okay if I’ll go to the washroom? Kanina pa kasi ako naiihi eh.” Sabi ni Karinna.
                “Sure no problem.” Sabi ni Carla.
Nagmamadaling tumakbo agad si Karinna sa pinto ng room at nagtatakbo papunta sa Girls Washroom. Pagpasok niya sa loob, naghanap siya agad ng cubicle at doon “tinapos ang tawag ni Mother Nature”. Naririnig niya ang mga babaeng nagkukuwentuhan sa lababo.
                “Grabe naman…susuweldo tayo, hindi ko pa mabibili yung gusto kong dress. Kainis talaga! Hindi ba naman na-approve yung overtime ko?!” sabi ng babaeng naglalagay ng foundation sa kanyang pisngi.
                “Ano bang gusto mo? Bili ka lang nang bili? Wala ka talagang maiipon!!!” sabi ng babaeng naglalagay naman ng lipstick.
Medyo natatagalan pa si Karinna sa kanyang “contact” pero ilang sandali pa, napapansin niyang wala nang tao sa confort room pero biglang may naglakad sa harapan ng pinto ng cubicle niya – white leather shoes. Pabalik-balik na naglalakad ang may-ari ng mga sapatos. Sino naman ‘tong taong ‘to? Hindi ba niya alam na bawal ang lalaki dito?
                “Hoy, sino ka ba? Hindi mo ba alam na bawal ang lalaki dito?” sabi ni Karinna.
Hanggang sa tumigil ang may-ari ng sapatos sa tapat ng pinto at pinipilit na binubuksan ang pinto. Malakas ang lalaki kaya kayang-kaya niyang sirain ang pintuan.
                “Tumigil ka na!!! Tulong!!! Tulungan niyo ‘ko!!! Parang awa niyo na!!!” takot na takot na sigaw ni Karinna kaya nag-ayos siya ng kanyang sarili nang humupa ang naghuhurimentadong lalaki na buksan ang pinto. Hindi maka-recover si Karinna kaya sinubukan niyang buksan ang pinto. Pagbukas niya ng pinto, wala siyang nakita sa buong comfort room kundi siya lang mag-isa. Huh?! Am I talking to myself? Sino yung lalaki kanina sa harap ng cubicle ko?

Biglang tumayo ang balahibo ni Karinna sa mga nangyari sa banyo kaya nagmamadali siyang lumabas. Habang siya’y pabalik, may nakikita siyang isang figure ng lalaking nakatitig sa kanya. Namumukhaan niya ito dahil sa kanyang trademark fashion statement – white attire that includes white polo shirt, white shoes, white Military Cap.
                “Si Timothy yun ah?! Akala ko ba, may sakit siya?” sabi ni Karinna.
Naglakad siya patungo kay Timothy pero bigla siyang tinawag ni Edelweiss na kanina pa hinahanap.
                “Karinna! Kanina pa kita hinahanap eh. Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ni Edelweiss.
                “Ahh…kasi nakita ko si Timothy…ayun oh…asan na siya?” sabi ni Karinna sabay turo kay Timothy na nawala nang parang bula. Nagtataka naman si Edelweiss kung sinong tinuturo niya.
                “Asan? Asan si Timothy? Ikaw, gumagawa ka lang ng kwento para makatakas eh.” Sabi ni Edelweiss. Kaya hinatak niya si Karinna pabalik sa training room. Pagpasok niya sa kwarto, tinanong agad siya ni Carla.
                “Where have you been? Akala ko ba nagpunta ka sa comfort room?” tanong ni Carla.
                “Yess…but I saw Timothy, in the corridor…naka-puti…yung palagi niyang suot…” sagot ni Karinna. Kaya biglang nag-react si Timothy.
                “Papaanong mangyayari yun eh nasa bahay nga si Timothy?” sabi ni Timothy.

Habang nanananghalian sina Timothy, Manny at Jacob ay hindi maiwasang mapagusapan ang tungkol sa nangyari kay Karinna.
                “Ano bang nangyayari kay Karinna kanina? Nakita raw niya si Timothy na nandito?! Paanong mangyayari yun eh di ba may sakit yung tao? Ala namang mag-teleport dito ang kapatid mo di ba?” sabi ni Jacob.
                “Pero alam mo, kahit ako nagtataka rin. Nakita ko siya kagabi sa bahay pag-uwi pero pagkagising ko, wala daw sabi ni Papa. Usually kasi bago kami matulog, tinitignan ni Papa kung mahimbing kaming natutulog. Pero hindi raw nakita ni Papa si Timothy kagabi sa kwarto niya.” Sabi ni Timothy. Tristan, asan ka na ba? Saan ka ba kasi nagpunta? Nagpatuloy siya sa pagkain nang may narinig siyang boses…boses ng kanyang kapatid na si Tristan.
                “Tulungan mo ‘ko…Timothy…pinatay nila ‘ko…pinatay nila ‘ko…”
Napalingon si Timothy sa kanyang likuran, nagpalinga-linga si Timothy para mahanap kung saan nanggaling ang boses na kanyang narinig.
                “Uy, ano bang nangyayari sa’yo? Para kang nakakita ng multo eh…” sabi ni Manny.
                “Manny, may bumubulong sa’kin…sabi, pinatay raw siya…ewan ko naman kung sino.” Sabi ni Timothy.
                “Dapat siguro pagkatapos ng training natin, dumiretso ka na sa bahay niyo’t baka magkasakit ka niyan. Mahirap yung pareho kayong may sakit.” Sabi ni Jacob.
Sinunod ni Timothy ang payo ni Jacob. Matapos ng training ay umuwi agad si Timothy sa kanilang bahay at nagpahinga. Hindi na niya nagawang magbihis at kumain dahil masamang-masama na ang kanyang pakiramdam. Nakakaugalian na ni Timothy na kapag matutulog ay nakabukas ang mga bintana ng kwarto niya. Kinabukasan ay nagising si Timothy at nang siya’y bumaba para pumunta sa dining area, nakahanda na ang kakainin ni Timothy na si Guido ang naghanda. Mainit-init pa ang fried rice habang ang ulam ay hotdogs, fried eggs at ham.
                “Good morning anak. Mag-breakfast ka muna bago ka maligo. Hihintayin na kita na bumaba’t sumabay ka na sa’kin papunta sa office, para tipid sa pamasahe.” Sabi ni Guido.
                “Ganun ba?! Okay.” Sabi ni Timothy. Umupo siya at kumain. Marami siyang kinuhang kanin at ulam kaya mas naging magana ang pagkain ng binata. Pagkatapos nito’y umakyat siya sa kanyang kwarto upang maligo. Makalipas ang ilang minuto, nagbihis na siya, suot ang kanyang trademark na wardrobe. Kinuha niya agad ang kanyang bag, lumabas ng kwarto at pinuntahan ang kanyang ama.
                “Halika na’t baka ma-late tayo. Bigyan mo pa ako ng written warning eh.” Sabi ni Timothy.
Tumayo na si Guido, pumunta sa garahe’t sumakay na sa kotse at umalis. Habang nasa sasakyan ang mag-ama, may sinabi ni Guido na labis ikinagalit ni Timothy.
                “Timothy, since lumayas ang mama niyo at up ‘till now, hindi pa bumabalik sa’tin, mas maganda kung maghahanap ako ng bago niyong mommy…” pero hindi pa naman natatapos si Guido ay kinontra na ito ni Timothy.
                “Kung lumayas si mama, bakit hindi mo hanapin? Hindi naman kasi siya parang tuta na kapag nawala, papalitan mo na lang ng bago! Hanapin mo muna si mama. Kapag hindi mo nahanap si mama within this week, then go ahead. Pakasalan mo ang kung sinu-sinong babae dyan! But don’t expect me to treat your ‘new woman’ as my ‘new mother’ because I promise you, I will make her life a living hell – pareho kayong dalawa!!!” sabi ni Timothy. Binuksan niya ang pinto ng kanilang sasakyan at lumabas.
Naglakad si Timothy papunta sa opisina tutal malapit na sila – naipit lang sila sa traffic. Gulung-gulo na si Guido sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. Kung matagal nang tinapos ni Guido ang relasyon niya kay Carla, siguro ay hindi ito mangyayari. Ano bang nagawa kong pagkakamali para magkagulo ang pamilya ko? Kasalanan ko bang mahalin ko ang babaeng matagal nang inilayo sa’kin ng mga magulang ko?

Pagdating ni Timothy sa opisina’t nakasalubong siya ni Carla, sinubukan siyang batiin ng dalaga.
                “Good morning Timothy.” Sabi ni Carla pero hindi siya pinansin ni Timothy. Pero nilingon siya nito at pinaulanan ng mga masasakit na salita.
                “What’s good in the morning? Kahit pakasalan ka ni Papa, basura ka pa rin sa paningin ko!” sabi ni Timothy, saka pumunta sa training room. Pinakalma naman ni Mona si Carla na muntik nang maiyak.
                “Hayaan mo na Carla. Normal lang yan sa mga kagaya niyang iniwan ng nanay dahil sa infidelity ng mga tatay nila.”
Pagpasok niya sa training room, andun na sina Edel, Ronnie, Sandra at Jacob. Lumapit sila kay Timothy.
                “Asan si Tristan? Don’t tell me, siya naman ang nagkasakit.” Sabi ni Sandra.
                “Umalis siya…hahanapin daw niya si Mama. Hindi ko nga alam kung kailan siya makakabalik pero susubukan niyang puntahan sa province namin sa Bulacan. Baka andun siya.” Sabi ni Timothy.
                “Eh papaano ka makakasiguro na andun ang Mama mo?” tanong ni Ronnie.
                “Basta, alam ko…alam kong andun siya.” Sagot ni Timothy.

Dumiretso ng Parking Lot si Guido. Doon pumarada si Guido sa nag-iisang lot. Kaya pagka-park niya, kinuha agad ang mga gamit niya, lumabas ng kotse at ni-lock ang mga pinto ng kotse gamit ang sarili nitong alarm system. Habang naglalakad siya papunta sa office, biglang bumusina ang mga sasakyan ngunit paglingon niya ay tumigil ito.
                “May sarili bang utak ang mga kotse dito?” tanong ni Guido.
Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad ngunit mas lumakas ang busina ng mga sasakyan at kusang gumalaw ang kanyang kotse. Nang makita ng kotse ang kanyang amo, humarurot ang kotse at sinagasaan si Guido. Tumilapon ang katawan ni Guido sa sahig nang duguan at bali-bali ang mga buto.
                “Tu..tu..tuuloonnggg!!! Tulungannn niyo ‘koooo!!!” pakiusap ni Guido sa mga tao sa Parking Lot.

No comments:

Post a Comment