Pero pagbalik niya, nadatnan niyang may kinakausap si Carla sa cellphone. Dinaanan niya ito at nginitian at pumasok ng room, pero nahagip niya ang isang pangalan ng taong kausap ni Carla – Guido ang pangalan. Bumalik siya sa kanyang kinauupuan nang parang nakakita ng multo. Tinanong siya ni Manny.
“Ano bang nangyari sa’yo? Para kang nakakita ng multo ah?!”
“Ah…wala lang. Nailabas ko na ang kailangan kong ilabas. Okay na ako Manny.” Sabi ni Jacob pero kinulit siya ni Tristan.
“Pambihira naman oh, ano bang nakain mo’t parang may nakita kang multo?” pero pinigilan na ni Timothy si Tristan na kulitin si Jacob.
“Tristan, kung ayaw niyang mag-kwento, e di wag. Pwede niyo namang kulitin mamayang lunch eh.” Sabi ni Timothy.
Nanahimik si Jacob sa buong araw – hindi siya kumikibo o nagsasalita. Pagsapit ng lunchbreak nila, pumunta sa lobby si Jacob nang mag-isa ngunit palihim siyang sinundan ni Timothy. Nang makita ni Timothy si Jacob ay pinuntahan niya ito at tinabihan sa sofa.
“Kanina ka pa walang kibo…ano bang nangyayari sa’yo?” tanong ni Timothy.
Biglang nagsalita ni Jacob.
“Your father had an affair…” sagot ni Jacob.
Hindi makapaniwala si Timothy sa kanyang narinig mula kay Jacob. Paanong magkaka-affair si Papa? Mahal kami ni Papa. Kaya inisip lang niyang parang biro ang lahat.
“You’re joking right? How could it be possible na magkakaroon ng affair si Papa? Kilala mo ba ang tatay ko?” tanong ni Timothy.
“Siya si Guido Santillan – Operations Manager ng Account na pinagtatrabahuhan natin.” Sagot ni Jacob. Nararamdaman na ni Timothy ang tensyon sa mga sinasabi ni Jacob tungkol sa kanyang mga nalaman.
Dito nagsimulang umiyak at humagulgol si Timothy na parang isang bata. Sa magkapatid, si Timothy ang mas mahina dahil sa kanyang emosyon. Madalas, kapag nakakarinig ng balita si Timothy, wala siyang gagawin kundi ang tumakbo, pumunta sa pinakamalapit na cr at iiyak hanggang sa mailabas niya ang lahat. Ngunit ngayon ay iba na.
“Kilala mo ba kung sino ang ‘other woman’ ni Papa? Alam mo ba ang pangalan niya?” tanong ni Timothy. Ngunit nang itanong ito ni Timothy kay Jacob, dito na naging “pipi” ang kaibigan. Parang natigilan at nawawalan ng boses kapag sasabihin na ang totoo.
“Magsalita ka…sino ang kerida ni Papa?” tanong ni Timothy.
“Malalaman mo rin…malapit mo na siyang makilala.” Ang tanging sagot ni Jacob.
Napadaan ang isa nilang kasamahan sa training – ang maganda ngunit intrigerang si Sandra Olvidado. Nakita niyang umiiyak si Timothy at pinapatahan siya ni Jacob. My God!!! Anong nangyayari sa kanila? May relasyon ba sila?
Pagbalik nina Timothy at Jacob sa training room ay naabutan nila ang kanilang mga kapatid – nag-aabang sa kanilang kasama, katabi ni Tristan si Sandra na nakatiklop pa ang mga braso’t nakataas pa ang kilay.
“Umupo nga kayong dalawa dito at mag-uusap tayo.” Sabi ni Manny sa kanila. Umupo ang dalawa sa kanilang mga upuan – facing their brothers. Inumpisahan ni Tristan ang pagi-interrogate.
“Timothy…magkapatid tayo diba?” sabi ni Tristan.
“Oo naman…” sagot ni Timothy.
“Dapat wala tayong tinatago di ba Jacob?” tanong ni Manny.
“Oo naman…ano ba kasi yun?” sagot ni Jacob.
Kaya diniretso na ni Sandra ang tanong sa dalawa.
“Bakit nakita kong umiiyak si Timothy at pinapatahan mo? May relasyon ba kayong dalawa?” tanong ni Sandra na ang tanging naging reaksyon ng dalawa ay – ang matawa. Tawa sila nang tawa nang walang tigil kaya sinaway sila ni Edelweiss.
“Ay, nasa Comedy Bar kayo? May joker ba?” sabi ni Edelweiss. Kaya tumahimik ang dalawa at pinagtawanan na lang ang sinabi ni Sandrang Intrigera.
“Ang galing mo namang gumawa ng kwento!!! Hindi pa kami desperado para magkaroon ng relasyon!!! Siyempre, umiiyak yung tao, so pinapatahan ko. Para siya kasing bata kung umiyak eh, yung parang naagawan lang ng candy eh hahagulgol na.” sabi ni Jacob.
Tiningnan nina Tristan at Manny si Timothy na parang inuusig na kriminal.
“Totoo ba yun? Bakit ka ba kasi umiiyak? Ano bang nangyari?” tanong ni Tristan.
“Sa bahay ko na lang ikukuwento. Wala kaming relasyon ni Jacob. Magkaibigan lang kami.” Sagot ni Jacob. Tignan lang natin kung matatawa ka sa ibabalita ko sa’yo. Kaya bumalik na ang apat sa kani-kanilang pwesto sa pagbalik ni Carla sa kanilang training room.
Nang papauwi na magkakapatid, sinusubukang mag-text ni Tristan sa kanilang ina ngunit wala siyang load.
“Manny, may load ka ba dyan? Tatawagan ko lang si mama kasi baka hindi ako makaka-uwi. Dadaanan ko si Isobel sa bahay nila.” Sabi ni Tristan kay Manny pero umiling lang si Manny nang makita nila si Carla.
“Lapit ka kay Carla. I’m sure naka-postpaid ang cellphone niya – kanina pa tawag nang tawag eh.” Sabi ni Manny.
Naglakas-loob si Tristan na lumapit kay Carla para hiramin ang kanyang cellphone.
“Carla, could I borrow your phone for just two minutes? I have to call my mom. It’s very important.” Sabi ni Tristan.
“Sure. Tamang-tama kasi I have to go to the washroom kasi ang sakit ng tiyan ko eh.” Sabi ni Carla. Inabot niya ang kanyang cellphone at tuluyang tumakbo sa comfort room para magbawas ng kinain.
Nang magda-dial ng number si Tristan mula sa keypad ng cellphone ni Carla ay biglang may tumawag. Nag-panic si Tristan dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin.
“Anong gagawin ko dito?” tanong ni Tristan.
“Sagutin mo na lang. Sayang din ang tawag eh.” Sagot ni Manny.
Wala namang choice si Tristan kundi ang sagutin ang phone call ni Carla. Pagsagot niya dito ay isang pamilyar na boses ang kanyang narinig dahil kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
“Carla, tuloy pa ba tayo sa biyenes? Sabihin mo lang para hindi na ako umalis ng bahay at ipapagawa ko na lang yung washing machine ni Luisa. Walang ibang maaasahan si Luisa kundi ako lang…” sabi ni Guido habang nasa cafeteria at umiinom ng kape. Si Daddy? Paano niya nakilala si Carla? Muling nagsalita si Guido sa kabilang linya.
“Babe…bakit hindi ka nagsasalita? Nakikipag-usap ba ako sa aso? Sumagot ka naman...okay, I love you, bye…” pero hindi na pinatapos ni Tristan ang tawag ni Guido sa kabilang linya. Nang makita niya si Carla, diretso niyang isinauli ang cellphone.
“Salamat po. I have to go.” Sabi ni Tristan.
“You’re welcome.” Sabi ni Carla.
Nilapitan ni Tristan si Manny at binulungan.
“Umalis na tayo. Ayoko ko nang makita ang babaeng yan.” Sabi ni Tristan kay Manny. Umalis ang dalawa at pinuntahan ang kanilang mga kapatid sa main lobby ng building. Pagdating nila, parang binugahan ng tambutso sa mukha si Tristan sa sobrang simangot at talagang “bad trip” mood.
“Anong nangyari’t bakit na-late kayo?” tanong ni Timothy.
“Wala…diretso tayo ng restaurant. Tayong apat, dun na tayo kumain ng dinner bago umuwi, tutal Biyernes ngayon.” Sabi ni Tristan.
“Sige ba…miss ko na rin luto ng mama niyo eh.” Sabi ni Jacob.
Sabay-sabay silang sumakay ng jeep na papunta sa restaurant. Pagbaba nila dun, maraming pamilya ang kumakain doon kaya medyo busy ang trabaho sa restaurant. Umupo sila sa lamesang malapit sa bintana. Pagka-upo nila, lumapit sa kanila ang isang waiter at kinuha ang kanilang order. Sa magkapatid na Ferrer, umorder sila ng isang serving ng Caldereta at tig-dadalawang cups ng kanin samantalang ang mga Santillan ay umorder ng Chicken Adobo at tig-dalawang cups ng rice at apat na glasses ng ice tea.
Ilang minuto pa ang nakakalipas nang basagin ni Tristan ang katahimikan nilang lahat.
“Timothy, may ibang babae si Papa…” sabi ni Tristan pero mas nabigla pa si Tristan sa kanyang maririnig.
“Ngayon mo lang nalaman? Kanina ko pa alam. Pambihira ka naman…” sabi ni Timothy.
Biglang kumulot ang noo ni Tristan dahil hindi man lang ito sinabi sa kanya ng kanyang kapatid.
“Bakit hindi mo sinabi?”
“Kasi hindi naman ako sigurado eh. At isa pa, unang naka-alam si Jacob tungkol dito. Pero hindi rin siya sure kung sino ang ‘other woman’ kaya wag kang mag-hysterical dyan.”
Sumingit sa usapan ang magkapatid na Ferrer.
“Alam mong may ibang babae si Sir Guido?” tanong ni Manny na ikinainis din ni Jacob.
“Ay, hindi! Hindi ko po alam…hindi ka ba nakikinig?” sagot ni Jacob.
Pero mas nagulat ang lahat sa sinabi ni Tristan: ang revelation kung sino ang other woman ni Guido.
“Si Carla…yung Carla na trainor natin…siya ang ‘other woman’ ni Papa.” Sabi ni Tristan.
Isa sa mga madalas pasyalan ng mga magkakarelasyon ang Holiday Lovers’ Inn, isang motel na medyo may kalayuan sa mga opisina’t malls. Naghihintay si Carla sa labas ng motel nang dumating si Guido at agad siyang hinalikan nito – sa lips, sa publiko. Kaya sinaway siya ni Carla.
“Ano ka ba, baka may makakita sa’tin! Nakakahiya!!!” sabi ni Carla. Kaya sa sobrang pananabik ni Guido, hinawakan niya si Carla sa kanyang kamay at kanyang hinatak papasok sa loob ng inn. Pagpasok nila sa loob ng kwarto, nagtuluy-tuloy ang paghahalikan nina Carla at Guido. Isinandal ni Guido si Carla sa likod ng pintuan at ikinandado ito. Matapos nito’y tuluyan nang naghubad ng damit sina Carla at Guido…hanggang sa ginawa nila ang hindi dapat nangyari. Bawat halinghing at indayog ng katawan ni Guido kay Carla, habang pinapaligaya niya ang babaeng kanyang kasama sa kama ay hindi niya na naisip na may masasaktan siyang ibang tao – lalo na ang kanyang asawa’t mga anak.
No comments:
Post a Comment