Tuesday, January 11, 2011

Kambal Diwa: Chapter 2

Nagsimulang magpakilala ang trainor nila.
                
                 “Good morning everyone. I’m Carla Herrera and you can call me Carla or Ms. Carla. Nasa thirty years na ang existence ko dito sa mundo. I’m already taken by someone kaya wala nang makalapit sa’kin. I worked as a call center agent in Makati tapos na-assigned ako as an Account Manager. Pinagsilbihan ko ang account na yun for nine years. And now, nag-resign ako dun dahil may nakilala akong isang lalaki na nagsabi: ‘Lumipat ka dito para maging magkasama tayo’ kaya andito na ako ngayon.” Sabi ni Carla. Lahat ng kanyang mga estudyante ay walang ginagawa kundi ang makinig sa kanya.
                “So, magpapakilala kayo one-by-one, state your name, address, Facebook account at ang sagot sa katanungang: What is the biggest mistake of your life and what did you do to make it right?, parang pang-Miss Universe lang. But you will know later, why did I ask you the question.” Sabi ni Carla.
Isa-isang nagpakilala ang mga estudyante ni Carla. Tumayo ang unang nakaupo sa bandang kanan ni Carla.
                “Good morning everyone. I’m Ronald Joaquin, you can call me Ronnie. I reside at St. Philip Executive Village in Kawit, Cavite. Just use my name in my Facebook. Sa tanong na pang-beauty contest…the biggest mistake na nagawa ko is when I didn’t join the Barangay Elections few years back. But now, ako na ang Barangay Chairman sa lugar namin.” Sabi ni Ronnie. Sumunod sa kanya si Edel.
                “Good morning. I’m Edelweiss Laperal, you can call me Edel. I’m from Florencia City Subd., malapit lang dito sa building. The biggest mistake na nagawa ko is nung hindi ko sinunod ang gusto ng mga magulang kong mag-boyfriend nang matino – drug-addict kasi yun eh. Now, I’m having a relationship with a TV Executive.” Sabi ni Edel. Sumunod ang matapang na si Tristan.
                “I’m Tristan Santillan, one of Guido Santillan’s twins. We both live in Villa Luisita Executive Subdivision and about the question? Ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko ay nung nagmahal ako sa hindi tamang tao. Now, I prefer to be single.” Sagot ni Tristan.
                “I’m Timothy Santillan. We have the same information. And, the biggest mistake? Yung hindi ako marunong lumaban para sa sarili ko. Now, I’m taking self-defense course that includes firearms, hand-to-hand combat.” Sabi ni Timothy.
Sumunod kay Timothy ang binatang nakaupo sa kanyang tabi. Isang binatang medyo malusog ang pangangatawan, nakasuot ng salamin na may pulang frame, polo t-shirt na green, brown slacks, at snickers. Medyo malago ang buhok, bilugan ang mukha, singkit ang mata, may kaunting dimples.
                “I’m Jacob Ferrer. Living at the same village nina Timothy at Tristan, sa Sevillana Street lang kami. The biggest mistake? Yung hindi ko natapos ang pag-aaral ko. Puro kasi ako bulakbol noon pero now, kahit hindi pa ako enrolled, sinusubukan kong maka-ipon para makapag-aral uli.” Sabi ni Jacob.
                “I’m Manuel Ferrer, you can call me Manny. Kapatid ni Jacob. The same address din kami and I worked here before sa ibang account nga lang. Ang tanging pagkakamali ko lang ay nang mas inuuna ko ang passion ko, which is music kaysa sa studies ko. But I’m proud to say na graduate na ako.” Sabi ni Manny.

Pagkatapos ng kanilang pagpapakilala, nagsimula na rin ang kanilang training na animo’y parang first day of classes lang. Ang unang fifteen-minute break nila ay 8:15 am kaya nang nagsimula na ang kanilang break, nagpuntahan ang mga trainees sa cafeteria.
                “Uy, susunod ka ba sa’min? Fifteen minutes lang ang break natin.” Tanong ni Jacob ay Timothy.
                “Ah, sige, mauna na kayo. Hindi pa naman ako masyadong gutom eh. Gusto ko lang libutin ang mga facilities dito.” Sabi ni Timothy.
                “O sige. Basta, kapag susunod ka alam mo kung nasaan lang kami ha.” Sabi ni Tristan.
Umalis ang buong grupo ngunit humiwalay si Timothy sa kanila. Nililibot niya ang paligid ng pinagtatrabahuhan ng kanyang amang si Guido. Isang mabait na ama at asawa si Guido Santillan. Nagmula siya sa isang middle-class family na kung saan, parehong government employees ang mga magulang na binubuhay ang tatlong magkakapatid. Si Guido ang pinakabunso samantalang ang unang dalawa niyang kapatid ay nasa America at Canada na.Habang naglalakad sa corridor si Timothy, bigla siyang tinawag ng isang lalaking nakasuot ng beige na long-sleeved polo, black slacks at leather shoes.
                “Timothy, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo kasama ang kuya mo?” tanong ng lalaki. Na-recognize ni Timothy ang lalaking tumawag sa kanya. Si Papa.
                “Gusto ko lang makita yung place mo…curious lang.” sagot ni Timothy sa kanyang ama.
                “So kamusta ang first half ng training ng bunso ko?” tanong ni Guido
                “Everyone’s nice…especially yung magkapatid na Ferrer. Pati yung trainor namin, si Ms. Carla.” Sagot ni Timothy. Tumingin si Guido sa kanyang wristwatch Naku, late na ako sa appointment ko! kaya nagpaalam na siya sa kanyang anak.
                “Timothy, I have to go and I have to attend a meeting. Kita na lang tayo sa bahay ha.” Sabi ni Guido.
                “Sige, sasabihin ko kay Tristan na nagkausap tayo.” Sabi ni Timothy.
                “Bye anak. Good luck and make your papa proud!!!” sabi ni Guido.

No comments:

Post a Comment