Wala naman gaanong pinag-uusapan sa training room ng mga sumunod na oras pagkatapos ng first fifteen-minute break nila. Mayroon naman silang isang oras para makapag-lunch at ito ang ginamit na oras ng ilan nilang kasama para usisain ang kambal. Nasa isang eatery na malapit lang sa building ang kanilang kainan. Nag-umpisang magtanong si Sandra.
“So, sa inyong magkapatid, sino ang mas lapitin ng babae?” tanong ni Sandra.
“Si Tristan…pag nagmahal kasi ang kapatid ko, ibibigay niya kahit ang buong mundo pati ang oras niya para sa kanya.” Sagot ni Timothy. Sumunod na nagtanong si Aldrene.
“Eh, may chance bang nagkagusto kayo sa iisang babae?” tanong ni Aldrene.
“Umm…meron…pero hanggang crush lang naman si Timothy eh. Mas gusto ko para sa kanyang unahin muna niya ang kanyang pag-aaral. Masipag ‘tong mag-aral eh kaya kung paramihan kami ng medals, mas marami siya.” Pagmamalaki ni Tristan sa kanyang kapatid.
“Ang sweet niyo namang magkapatid. Buti pa kayo ng kuya mo, maganda ang turingan. Kami ng half-brother ko, palagi kaming magkaaaway. Gusto niya kasi, siya lagi ang first priority.” Hinanakit ni Edel kaya binigyan siya ng advice ni Manny.
“Hindi naman kasi maiiwasan ang magkaroon ng conflict sa mga magkakadugo. Pero alam niyo, kahit anong away namin ni Jacob, palagi naming iniisip na magkapatid pa rin kami. At hindi na iyon mapuputol pa – kahit kamatayan pa yan.” Sabi ni Manny habang sinegundahan ito ni Jacob.
“Kaya dapat Timmy, magkaroon tayo ng bonding kasama ang kuya ko at kuya mo…magkaka-village lang pala tayo eh, hindi ko kayo nakikita.” Sabi ni Jacob.
“Ay oo, nakikita ko kayong magkapatid. Loyal customers kayo ng restaurant namin, yung CafĂ© de Luisa. Madalas kayong bumili sa’min ng Lengua with Mushroom Sauce at Chicken Adobo Aloha.” Sabi ni Tristan.
“Sabi na nga ba kayo ang may-ari nun eh. Sige, sasabihin ko sa parents namin na dun na lang lagi kami kumain.” Sabi ni Jacob kaya pinaalalahanan sila ni Edel.
“Fifteen minutes na lang, babalik na tayo dun sa training room. Halika na at mamaya na ang chikahan natin.” Sabi ni Karinna.
Sabay-sabay silang bumalik ng Training Room. Animo’y parang kanina lang na hindi sila magkakakilala pero paglabas ng eatery, para na silang magkakabarkada. Nang pabalik na sina Timothy, may napansin siyang isang nilalang na sunug na sunog ang buong katawan. Umaalingasaw ang amoy nito na parang naaagnas na bangkay na muling nabuhay. Hihiwalay sana si Timothy sa grupo nang pigilan siya ni Manny.
“Uy, saan ka pupunta?” tanong ni Manny kay Timothy.
“Ahh…wala. May nakita lang ako dun sa corner. Para kasing may nakatingin sa’tin eh.” Sagot ni Timothy.
Hindi na pinansin ni Timothy ang kanyang nakita. Bumalik sila sa Training Room para ituloy ang kanyang lecture. Nasa trabaho naman si Guido. May mga tinatapos na paper works sa kanyang table. Kinamusta siya ng kanyang co-worker, si Monalisa.
“Uy, nakita ko kambal mo dito ah. Dito na ba sila magtatrabaho?” tanong ni Mona.
“Yes. Today is their first day sa kanilang training kaya proud ako sa mga boys ko.” sagot ni Guido.
“Paano kung malaman nilang may lihim ka dito? Hindi ba sila magagalit? Alam mo namang isang malaking eskandalo ang maaaring maganap kapag nalaman ng lahat – especially ng asawa mo.” pag-aalalang tanong ni Mona habang may sinusubukang tawagan si Guido sa kanyang cellphone.
Habang nasa kalagitnaan ng discussion, biglang nag-ring ang cellphone ni Carla.
“Oh, dito lang kayo ha. I’ll just have to answer this one.” Sabi ni Carla. Kinuha ang cellphone, sinagot at lumabas ng kwarto.
“Hello? Ano ka ba, nasa kalagitnaan ako ng discussion ko…baka makahalata sila, lalo na ang mga Santillan. Kapag nalaman nilang may relasyon tayo, baka kung anong isipin nila.” Sabi ni Carla.
Nasa cafeteria si Guido habang may kausap sa kanyang cellphone.
“I’m sorry Babe, pero hindi ko makakayang hindi ko marinig ang boses mo. Alam mo naman kung gaano kita kamahal di ba? Sana naman, ma-appreciate mo yun…”
“Pero paano si Luisa? Ang mga anak mo? Baka kung anong isipin nila…na may ibang babae ang papa nila, bukod sa asawa mo.”
“Ahh…hindi ko alam…basta, dapat walang makakaalam na may relasyon tayo para walang masasaktan.”
“Pero kahit hindi mo sabihin sa asawa mo, nasasaktan mo na rin siya. Hindi lang siya kundi pati ang mga anak mo. Kilala mo ang buong pagkatao ko, mula ako sa broken family at ayokong mangyari yun sa pamilya mo. Bye!” ibinaba na ni Carla ang kanyang cellphone at bumalik siya sa kanyang klase.
Tapos na ang unang araw ng training ng kambal sa mundo ng Call Center Industry. Bago sila umuwi, magkakasabay uwi ang dalawang pares ng magkapatid.
“It’s been a long time since makasakay ako ng jeepney. Palagi na lang nakasakay ng kotse papunta sa school eh. Ngayon, nakakasakay na ako ng jeep.” Sabi ni Jacob.
“Ganun? So mayaman pala kayo…” sabi ni Tristan.
“Mmm…yeah. Pero dati yun. Ngayon, hindi na…mahina na ang Luxury Cruise Line business eh. Kokonti na lang ang tip na nakukuha ng tatay ko sa barko.” Maikling kwento ni Jacob.
“Okay lang yun. You should look at the bright side of life – at least, buo ang pamilya niyo. Malulusog at nakakaraos sa buhay. Hindi gaya ng iba dyan, watak-watak sila.” Sabi ni Timothy. Nananatiling tahimik si Manny sa kanilang usapan. Alam niya ang pinagdadaanan nilang magkapatid – may kaya sila noon pero ngayon ay medyo naghihikahos na. Lahat naman ay gusto ang isang kumpleto at masayang pamilya ngunit hindi lahat ay nagkakaroon ng ganitong pamumuhay.
Pagkauwi ng kambal sa bahay, sinalubong sila agad ni Luisa na kakatapos lang magluto ng kanilang dinner.
“How’s the training?” tanong ni Luisa sa mga anak.
“Ayun, medyo masaya – sa simula pero kalaunan, naku parang humihirap…” sagot ni Tristan.
Inilapag ng dalawa ang kanilang mga bags at dumiretso sa dining area. Andun na rin si Guido na kumakain na ng dinner.
“Papa, di ba mamaya pa ang out mo? Bakit napa-aga yata?” tanong ni Timothy habang nag-mamano sa kanyang tatay. Sumunod namang nag-mano si Tristan sa kanyang ama.
“Kaka-tamad kasi dun eh, lalo na kapag mag-isa ka na lang sa opisina – feeling mo may nakatingin sa’yo na hindi mo naman nakikita.” Sagot ni Guido habang inaabutan niya ng kanin si Timothy.
Gaya ng ibang pamilyang Pilipino sa ating kapaligiran, nakakaranas din ng problema ang mga Santillan – hindi nga lang sa pera kundi sa ibang bagay. Hindi madalas mag-away ang mag-asawa’t magkapatid pero hindi rin nawawala yun sa kanila. Kinagabihan, habang natutulog si Luisa ay nag-ring ang cellphone ni Guido. Alam niya kung sinong tumatawag kaya sinagot niya ito habang nakahiga sa kama.
“Hello? Bakit ka tumawag? Anong kailangan mo?” tanong ni Guido. Bumangon siya sa kama at nagpunta sa terrace ng kanilang kwarto.
“Babe, sorry kung hindi ako nakadating sa tagpuan natin kanina…marami pa akong tinapos na reports eh…hindi ko naman pwedeng pabayaan dito sa desk ko…hindi pa ba nakakahalata si Luisa?” tanong ng kausap niyang babae.
“Carla hindi pa…pero kung pwede lang sana wag kang masyadong lalapit sa kambal ko…baka makahalata sila…mahirap na.” sabi ni Guido. Biglang naalimpungatan si Luisa at tinanong si Guido.
“Sinong kausap mo? Importante ba yan?” tanong ni Luisa kaya nag-iba ng tono ng pananalita si Guido.
“Sige, bukas na lang tayo mag-usap…see you at the office…” sabi ni Guido, saka ibinaba ang cellphone at binalikan si Luisa sa kama at sinamahang matulog.
“Ah, isa kong officemate. May meeting kasi kami bukas eh.” Sagot ni Guido sa tanong ni Luisa.
Ikalawang araw na ng training ng kambal sa call center industry. Habang may ginagawang activity ang klase, hindi mapigilan ni Jacob ang maihi. Kaya nagbilin si Jacob sa kanyang katabing si Timothy para pabantayan ang kanyang mga gamit.
“Timmy, pabantay naman ng gamit ko. Punta lang ako ng cr…puputok na ang pantog ko eh…” sabi ni Jacob.
“Sige…ako bahala.” Sabi ni Timothy.
Kaya nagmadaling lumabas ng training room ang binata. Paglabas niya ay nilakad niya ang mahabang pasilyo, kumaliwa’t umakyat sa dalawang steps papasok sa cr. Isang ordinaryong comfort room na may apat na cubicle – dalawa ang bukas at dalawa ang nakasara, specifically yung nasa bandang dulo. Nagpunta siya sa isang urinal at umihi. Pagkatapos nito’y nagpunta siya sa lababo at naghugas ng kamay nang pumasok si Guido, may kausap sa cellphone at pumasok ng urinal. Ngunit hindi pa pala tapos ang “agenda” ni Jacob sa cr kaya pumasok siya sa cubicle – hindi para makinig sa kausap ni Guido sa cellphone kundi para magbawas. Pambihira naman!!! Ngunit hindi niya sinasadyang mapakinggan ang mga sinasabi ni Guido sa kanyang kausap sa cellphone.
“Carla, ayoko nang magsinungaling kay Luisa…nakokonsensya na ako eh…hindi ko kayang lokohin ang asawa’t mga anak ko, lalo na kina Timothy at Tristan…baka itakwil nila ako…” sabi ni Guido na ikinabigla ni Jacob. Anong Timothy at Tristan? Sinong Carla? Baka mali lang ang narinig ko. Tumindig agad si Jacob, dahan-dahang binuksan ang pinto ng cubicle at naglakad pabalik sa training room.
No comments:
Post a Comment