Tuesday, January 11, 2011

Kambal Diwa: Chapter 5

Matapos ang kanilang pagtatalik, nakapatong ang ulo ni Carla sa dibdib ni Guido, pagod na pagod at pawis na pawis habang si Guido, humihithit ng sigarilyo. Walang saplot at kumot lang ang takip sa kanilang katawan. Wala rin silang pakialam sa mundo – kung may mangyayari sa mga taong nakapalibot sa kanila – lalo na ang pamilya ni Guido.
                “Sa tingin mo ba, ito na ang last nating pagkikita? Baka makahalata na ang mga anak mo.” tanong ni Carla.
                “This will be the last. Huli na ‘to. Tinatapos ko na rin ang relasyon natin.” Sagot ni Guido.
                “Paano na kapag nalaman kong buntis ako?” tanong ni Carla.
                “Papanagutan ko yan, basta wag kang tatawag sa bahay o kahit sa’kin. Magpadala ka na lang ng e-mail. Doon mo na lang ako kausapin, para hindi makahalata ang mga anak at asawa ko. Nakakahiya kapag lumabas ito sa kumpanya, baka palayasin tayo.” Sagot ni Guido.

2:30 am
Umuwi si Guido sa kanilang pamamahay matapos ang huling pagkikita nila ni Carla. Pagpasok niya sa bahay, napansin niyang madilim ang buong kabahayan, bukas ang mga bintana na nililipad ng malakas na hangin ang kurtina. Habang siya’y naglalakad, tinatawag niya ang kanyang asawa’t mga anak para malaman kung natutulog na ba sila.
                “Luisa…Timothy…Tristan...” tawag ni Guido ngunit walang sumasagot. Nagpunta siya sa kusina upang uminom ng tubig. Kumuha siya ng isang baso, pinuntahan ang refrigerator at kumuha ng isang pitsel ng malamig na tubig. Nagsalin siya sa baso at uminom.
                “Pambihira naman…bakit ba nila hinahayaang nakabukas ang mga bintana?” inis na inis na sinabi ni Guido.
Pinuntahan niya ang mga bintana sa bahay at kanyang isinara. Habang isinasara niya ang mga bintana, unti-unting bumubukas ang isang pinto ng isang kwarto – nang mag-isa. Wala naman sigurong multo dito sa bahay. Pinasok niya ang kwarto ngunit walang ibang laman ang loob kundi mga lumang kagamitan. Pagpasok niya sa kwarto, nakita niya ang isang picture frame na andun ang litrato niya at ng kanyang pamilya.
                “I’m sorry, I’m sorry kung matagal ko na kayong niloloko…” sabi ni Guido nang biglang sumara ang pinto. Pinuntahan niya ang pinto at pinilit na buksan ngunit hindi ito magbukas. Peste!!! Ano bang nangyayari sa pamamahay ko? Hindi niya alintana na may iba palang nasa loob ng kwarto – isang taong sunog na sunog, hinahawakan ang kanyang leeg at bigla siyang sinakal. Sinubukan niyang makawala ngunit wala siyang magawang paraan.

Nagising si Guido sa isang masamang panaginip, isang bangungot na maaaring sumira sa kanyang pamilya. Nagising na lang siya na si Luisa ang kaharap niya – nakasuot ng apron at may hawak na spatula.
                “Hon...gising na...” sabi ni Luisa habang pinipilit ang kanyang asawa na bumangon na mula sa kanyang pagkakatulog. Bumangon si Guido na pawis na pawis, parang may hinahabol na hindi niya maintindihan.
                “Ahh…anong oras na?” tanong ni Guido.
                “It’s just 4:30 in the morning. Buti na lang at pinagising ka ng mga anak mo, kasi kung hindi baka ma-late ka sa work mo.”  sagot ni Luisa.
                “Ah…okay. Sige, bababa na ako. Maliligo lang ako…” sabi ni Guido.
                “Okay. Hihintayin kita sa baba.” Sabi ni Luisa, binigyan niya ng morning kiss ang asawa sa lips at lumabas na ng kwarto. Tumayo si Guido at nag-inat inat. Pumasok sa banyo, naghubad ng kanyang pantulog. Tumungtong sa bathtub at tumapat sa shower upang maligo.

Habang nasa 15-minute break sina Karinna, Ronnie at Timothy, pinuntahan sila ni Carla na may dalang tray na may pagkain – spaghetti with toasted bread.
                “Guys, may I join?” tanong ni Carla.
Hindi umiimik si Timothy ngunit pinayagan na siyang umupo ni Ronnie.
                “Sure, go ahead.” Sagot ni Ronnie.
Tumabi si Carla kay Timothy pero si Timothy ang umiiwas, parang naiilang na katabi niya ang kabit ng kanyang ama. Shit! Ang kapal naman ng mukha mong tumabi sa’kin! Asshole!
At nagsimulang magtanong si Timothy kay Carla.
                “So, gaano po na po kayo katagal na nagtatrabaho dito sa SLV?” tanong ni Timothy.
                “Umm…almost two years na.” sagot ni Carla
                “Asan family niyo?”
                “Nasa Bulacan. Actually, yung nag-iisa kong kapatid ang nandun with my aunt. Wala na kasi kaming magulang eh.” Sagot ni Carla.
                “Eh, may boyfriend na po ba kayo?” tanong ni Timothy. Kapag nagsingungaling ka pa dito, bubuhusan kita ng kape sa mukha!
                “Meron…” sagot ni Carla.
Nagsimula na ring maging sensitibo ang mga tanong ni Timothy tungkol sa “boyfriend” ng kanyang instructor.
                “Sa tingin mo ba, single siya?”
                “Ummm…yes…bakit? Kilala mo ba ang boyfriend ko?”
                “Paano ka nakakasiguro? Talaga bang kilalang-kilala mo ang boyfriend mo?”
                “Timothy, this is getting personal. You don’t have any right na manghimasok sa buhay ko…” pero biglang may lumabas kay Timothy, isang pag-uugaling hindi alam ng kanyang kakambal.
                “And you don’t have any right to interfere in a marriage! Akala mo kung sino kang matalino’t mabait…humanda ka mamaya…” sabi ni Timothy kay Carla na nanlilisik ang mga mata sa galit. Napatayo si Carla’t umalis ng cafeteria habang pinapakalma nina Ronnie at Karinna.
                “Ano ba kasing pinagsasabi mo kay Carla? Nakakahiya tuloy, baka matanggal ka niyan.” Sabi ni Ronnie pero walang magawa si Timothy kundi ang inumin ang natitirang kape sa kanyang cup.
                “Baka mas mauna sila ng kalaguyo niya…” pagbabanta ni Timothy.

Sa training room ay nagaganap ang isang discussion tungkol sa topic na “Honesty and Integrity to your Customers.” Nakabukas ang LCD Projector at nagdi-discuss si Carla.
                “As a Call Center Agent – whether you’re a Customer Service Representative or a Technical Support Representative, you are upholding the integrity of this company and the product that you are servicing. You should be honest to your customers and be responsible enough to give them a good customer quality service...” sabi ni Carla nang magtaas ng kamay si Timothy.
                “But Carla, how about kung malaman ng customer na nagsisinungaling ka? Na kahit anong kumbinsi mong maganda ang product, which is hindi naman talaga…how could you be honest to your customer?” tanong ni Timothy.
Napaisip si Carla sa tanong ni Timothy. Hindi niya alam kung sasagutin niya o de-deadmahin na lang niya ito.
                “Timothy, being honest means that you have to tell the whole truth about something or someone. Because when you are going to be honest, then you should be ready for the consequences. Kahit sa totoong buhay, kapag sinabi mo ang buong katotohanan, dapat maging handa ka sa mangyayari.”
At dito nagsimulang ipahiya ni Timothy si Carla sa buong klase.
                “Yun naman pala eh, then why don’t you tell to everyone here in this class kung anong pinaggagawa niyo ng magaling kong ama! You’re such a dirty slut!!! Nakakahiya ka! Upholding the company’s integrity…pero yung pagkatao mo, nabubulok na!” sabi ni Timothy na ikinagulat ng buong klase – maliban kina Tristan, Jacob at Manny.
Hindi makapag-react si Carla sa mga sinasabi ni Timothy. Tumayo si Timothy at dinuro-duro si Carla na parang isang mababang uring klase ng babae.
                “I have a very explosive announcement to make, and I want everyone to listen! Ang babaeng ito, na iilang araw pa lang nating nakikilala bilang si Carla Herrera, ay may boyfriend. And the name of her boyfriend is…” sabi ni Timothy pero sinusubukang pigilan ni Carla.
                “Please, wag mong sabihin sa kanila…parang awa mo na…ayokong mawalan ng trabaho…I’m sure, ayaw mo ring mawalan ng trabaho ang father mo di ba?” sabi ni Carla pero walang makakapigil kay Timothy sa kanyang malaking pasabog.
                “Ang boyfriend ni Carla ay walang iba kundi si…Guido Santillan.” Sabi ni Timothy.
Natigilan ang lahat sa mga sinabi ni Timothy. Parang may dumaang anghel sa kanilang harapan dahil hindi sila nakapag-react.
                “Umamin ka Carla…si Papa ang boyfriend mo!!! Umamin ka na!!! Umamin ka na!!!” sigaw ni Timothy kay Carla pero hindi ito naririnig sa labas ng training room. Sound-proof kasi ang mga kwarto kaya hindi ito naririnig ng mga dumadaan sa hallway.
Hindi nagawang umamin ni Carla pero idinaan na lang niya ito sa iyak. Pero wala itong epekto kay Timothy kaya pinuntahan na siya nina Tristan, Manny at Jacob upang pakalmahin. Pinaupo nila ito sa kanyang upuan at pinapakalma.
               
                “Timothy, may panahon para sa ganito. Ano na lang ang sasabihin ng mga kasama natin dito?” sabi ni Tristan pero nanlilisik pa rin ang mga mata ni Timothy kay Carla na pinapakalma naman ni Sandra at Karinna.
                “Gusto mo ba ng tubig? Ubos na kasi ang laman ng tumbler mo eh, ikukuha kita gusto mo?” tanong ni Jacob at pumayag naman si Timothy.

Bumalik si Carla sa Instructor’s Room na parang hinubaran dahil sa kahihiyan. Nilapitan siya ni Guido at kanyang niyakap. Mabuti na lang at wala nang mga tao sa opisina kaya ginamit nila ang oras para sila’y makapag-solo. Ikinuwento ni Carla ang mga ginawa ni Timothy sa kanya – ang pagpapahiya sa kanya sa klase at ang katotohanang matagal nilang itinatago.
                “Ito na nga ba ang kinakatakot ko eh. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa’tin? Sa opisinang ‘to? Ayokong umuwi sa amin na isang bigo. Gusto ko pagbalik ko dun, may maipagmamalaki na ako. Magkakaroon ng isang pamilyang malinis, hindi yung ganito – marumi at imoral.” Sabi ni Carla.
Niyakap siya ni Guido at hinalikan sa labi.
                “Don’t worry, ako ang magpapaliwanag sa kanila. Siguro naman, maiintindihan nila tayo. Hindi natin ito sinasadya pero bigla na lang nangyari. Hindi ko kayang mawala ang pamilya ko’t hindi ko rin kayang mawala ka sa piling ko.” sabi ni Guido at hinalikan niya si Carla sa labi – ang hindi nila alam, pinapanood sila ng mga anak ni Guido sa security room. Ito ay isang silid na kung saan, maraming TV ang naka-connect sa mga CCTV cameras na ikinalat sa mga pasilyo ng SLV.
                “Ang kapal talaga ng babaeng yan! Hindi na siya nahiya.” Sabi ni Timothy kaya pinagsabihan siya ni Tristan.
                “Timothy, please. Now na alam na natin ang totoo, wag na natin ‘tong sabihin kay mama. I’m sure, hindi niya ito kakayanin at baka ikamatay niya ito. Alam mo naman siguro ang pwedeng mangyari kapag kumalat ito di ba?” sabi ni Tristan.
                “Okay.”

No comments:

Post a Comment