Wednesday, January 12, 2011

Kambal Diwa: Chapter 6

Pag-uwi ng kambal sa kanilang bahay, andun na pala ang kanilang ama at kumakain kasama ang kanilang ina. Bago sila pumasok, pinaalalahanan ni Tristan si Timothy tungkol sa kanyang pakikitungo sa kanilang tatay – kahit alam na nila ang totoo.
                “Timothy, when we enter the house, umarte ka na parang walang nangyari.” Sabi ni Tristan.
                “Hmmm…okay, I’ll try.” Sabi ni Timothy.
Pumasok sila at kanilang binati ang kanilang mga magulang.
                “Hi mama, hi papa. Andito na kami.” Sabi ni Timothy. Pumunta sila sa kanilang mga magulang para mag-mano. Una niyang pinuntahan si Luisa at nagmano. Pero pagpunta niya sa kanyang ama, nagbeso ito at bumulong:
                “Akala mo, hindi namin malalaman…bistado ka na…” sabi ni Timothy.
Hindi inaasahan ni Guido ang mga narinig niya mula sa kanyang anak. Ito na ang kinakatakot ko. Umupo ang dalawa sa kanilang mga upuan at kumuha ng kanin at ulam. Most of the time, madalas mag-kwento ang magkapatid tungkol sa kanilang mga naranasan sa araw na iyon, para maging informed ang kanilang mga parents. Pero nagbago na ang lahat – naging tahimik ang dinner ng pamilya habang umiihip ang malakas na hangin at nililipad ang mga kurtina ng bintana.
Pagkatapos nito’y umakyat na ang dalawa upang magpalit ng pambahay. Nag-beso ang dalawa sa kanilang ina – maliban sa kanilang ama.
                “Ano bang nangyayari sa mga anak natin? Bakit ang tahimik nila?” tanong ni Luisa.
                “I don’t know. Siguro dahil pressured lang sila sa training.” Sagot ni Guido.
Itinuloy nila ang kanilang dinner. Tinulungan ni Guido si Luisa sa paghuhugas ng pinggan. Habang naghuhugas ng baso si Guido, bigla siyang napapikit, pumasok sa kanyang isipan ang mga naganap sa pagniniig nila ni Carla sa motel…ang mga halinghing ni Carla, ang pag-angkin ni Guido sa pagkababae ni Carla…ang sumbong ni Carla sa kanya sa Instructor’s Room…pero hindi niya namamalayang nabasag niya pala ang basong hinuhugasan niya.
                “Guido…dinudugo ang kamay mo! Okay ka lang ba?” tanong ni Luisa habang naghuhugas ng kamay at sinusubukang gamutin ang sugat ni Guido sa kamay. Kinuha niya ang medicine kit at nilinis ang sugat ni Guido.
                “Ano ba kasing nangyayari sa’yo? Hindi ka naman ganyan dati ah. May problema ka ba?” tanong ni Luisa.
                “Wala…pagod lang ako siguro. Sige na, gamutin mo na ang kamay ko at didiretso na ako sa kwarto’t matutulog. Siguro pahinga lang ang katapat nito.” Sabi ni Guido. 
Nilagyan ng benda ang kanyang kamay pagkatapos ay umakyat siya sa kwarto at nanonood na lang ng TV sa kanilang bedroom at tinapos na ni Luisa ang mga hugasin sa kusina. Pinatay na ang mga ilaw sa bahay at isinara ang mga bintana saka siya umakyat papunta sa kwarto.

Hindi makatulog ang magkapatid na Manny at Jacob dahil inaalala nila ang kanilang mga kaibigang sina Timothy at Tristan. Magkatabi naman sila sa iisang king-size bed.
                “Kung sa’tin mangyayari yun, anong magiging reaksyon mo?” tanong ni Manny.
                “Naku, baka magaya din ako kay Timothy. Ikaw ba naman, lokohin ka ng sarili mong ama o ina dahil may iba silang kinakalantari. Sino bang hindi maiinis dun?”  sagot ni Jacob.
Napabuntong-hininga na lang si Manny.
                “Ako, siguro…tatanggapin ko na lang…pero don’t expect na pakikisamahan ko sila nang maayos. Hindi ko na lang sila papansinin, para walang gulo…or better yet, bubukod na lang ako para hindi ko sila makita.”
Kaya mas naging concern si Jacob kay Timothy, dahil gaya niya ay mas bata siya kaysa kay Manny.
                “Dapat siguro, mas lalo tayong maging concern sa kanila. We don’t know kung anong magaganap kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa illicit affair ni Carla at Sir Guido.” Sabi ni Jacob.
                “Ako din. Dapat pakalmahin ko rin si Tristan…isa rin yun eh…” sabi ni Manny.

Tuwing Sabado at Linggo ay palaging nasa Café de Luisa ang magkapatid, para tumulong sa pamamalakad ng negosyo. Pwede silang maging Manager, Chef, o tagakuha ng orders ng mga customers. Dahil weekend, maraming pamilya at kung sinu-sino ang kumakain sa kanilang restaurant. Kaya nang dumalaw ang magkapatid na sina Manny at Jacob, nagulat sila sa kanilang nasaksihan.
                “Grabe…ang dami pala nilang customers. Dapat pala, mag-take out na lang tayo ng pagkain.” Sabi ni Manny.
                “Tama ka dyan…” sinegundahan naman ni Jacob.
Kaya nilapitan sila ng isang lalaking nakasuot ng puting polo t-shirt, scarlett vest, black slacks at leather shoes. May suot din siyang baseball cap na may logo na CL. Naglabas siya ng isang notebook at ballpen para makuha ang order ng customer.
                “May I have your order sir.” Sabi ng lalaki.
                “Ummm…yung dating order namin.” Sabi ni Jacob kaya kinalabit siya ni Manny.
                “Jacob, alam ba nila ang lagi nating inoorder? Baka naman mali ang maibigay nila.” Sabi ni Manny nang biglang magsalita ang lalaki. Tinignan niya ang magkapatid at sinabing: “Alam na alam ko po.”
                “Tristan? Akala ko naman kung sino, kanina ka pa nakayuko eh…kapatid mo?” tanong ni Jacob. Itinuro nila ang kapatid sa counter, kung saan siya ang nagpo-process ng payment at sukli ng mga customers.
                “Umupo muna kayo, nakakangawit ang tumayo…” sabi ni Tristan.
Mabuti na lang at may nakita silang bakanteng upuan. Doon sila pumuwesto at naghintay ng kanilang order. Isa sa mga dahilan kung bakit sikat ang Café de Luisa dahil sa mabilis ang serbisyo, masarap ang pagkain, accomodating ang mga workers at siyempre, libre ang WiFi. Makalipas ang ilang minuto, binigay ni Tristan ang kanilang order at ibinigay naman ni Manny ang kanilang bayad.
                “Paki-hintay na lang ang change niyo ha.” Sabi ni Tristan.
Pumunta sa counter at binigay ang bayad kay Timothy. Dahil maraming chumichikang mga customers ay hindi pa naman hinihingi ang kanilang “check”, na-process agad ang kanilang sukli.
                “Ayan, okay na ang sukli nila.” Sabi ni Timothy nang biglang mahulog ang dala-dalang susi ni Timothy sa sahig. Nang pupulutin niya, biglang may lumitaw na brasong sunog na sunog – kinuha ang susi at biglang naglaho. Nabigla si Timothy sa kanyang nakita ngunit bigla siyang pinuntahan ng isang service crew.
                “Sir Timothy, napulot ko po sa Table 16…” sabi ng isang crew, sabay abot ng susi sa amo.
                “Saan mo nakuha? Sa Table 16?” tanong uli ni Timothy. Tumungo na lang ang service crew, saka umalis. Papaanong napunta yun sa Table 16? Eh, nahulog ko yung susi kanina…may kumuhang brasong sunog…

Matapos ang kanilang duty sa restaurant, umuwi na ang magkapatid sa bahay para magpahinga. Habang nanonood ng DVD si Timothy sa kwarto ni Tristan, gumalaw nang kusa ang kama ng kanyang kuya. Kumakalog ang kama, sa simula ay mabagal hanggang sa ito’y mabilis na kumakalog.
                “Tristan…Tristan!!! Tulungan niyo ‘ko…tulungan niyo ‘ko…” sigaw ni Timothy pero bigla siyang hinatak ng kama’t pwersahang inihiga. Sinusubukan niyang kumawala pero hindi niya ito magawa, parang may pumipigil sa kanyang makaalis ng kama. Hanggang sa nagdiliryo na si Timothy.
                “Sino ka ba? Pakawalan mo ‘ko!!! Tigilan mo na ‘ko!!!”
Papaakyat si Tristan galing sa kusina, bitbit ang isang bowl ng potato chips nang madatnan niyang nakasara ang pinto.
                “Sandali, iniwan ko lang ‘tong bukas ah…” sabi ni Tristan. Kaya sinubukan niyang buksan ang pintuan pero parang may nakaharang sa pintuan. Pinipilit niyang buksan ito pero hindi niya magawa. Kinakatok niya ang pinto, sinusubukan niyang makinig pero parang walang tao sa loob. Bumaba muna siya para kunin ang susi ng kanyang kwarto.

Sa loob ng kwarto, patuloy pa rin ang paggalaw ng kama at hindi na alam ni Timothy ang kanyang gagawin nang may biglang gumapang na lalaking sunog na sunog. Papalapit ito sa kanya at pilit niyang iniiwasang tumingin sa kanya kaya napasigaw siya sa sobrang takot.
                “Tulungan niyo ako!!!” sigaw ni Timothy.
Binalikan ni Tristan ang kanyang kwarto, sinubukan niyang buksan ang kwarto gamit ang susi. Nang nabuksan at pagpasok niya sa kwarto, nakita niyang nakahiga na ang kanyang kapatid – naka-stretch ang mga braso’t binti sa apat na poste ng kanyang kama na parang nakagapos ngunit wala namang lubid o tali.
                “Timothy!” ang tanging nasabi ni Tristan.
Pinuntahan niya ang kanyang kapatid at pinakalma. Iyak nang iyak si Timothy sa kanyang mga nakita at naranasan sa kwarto ng kanyang kakambal. Pilit niyang pinatayo ang kapatid para alamin kung anong nangyari.
                “Timothy, ano bang nangyari?” tanong ni Tristan.
                “Trriisstan…yung kama kanina…gumagalaw…tapos may gumapos sa’kin…tapos may gumapang na isang monster sa’kin…parang kukukunninn niya ‘ko…” sagot ni Timothy, saka umiyak. Pinatahan siya ni Tristan.
                “Okay. From now on, hindi na kita pababayaan okay? Palagi tayong magkasama…tayo ang magkakampi…tandaan mo yan…” sabi ni Tristan sa kanyang kapatid.

No comments:

Post a Comment